• palayanfinal.png

HISTORY

Ang Panggulayan ay isa sa pinakamalaking barangay sa bayan ng Pinamalayan.Noong taong 1969 ang mamamayan ng kanlurang bahagi ng Panggulayan sa pangunguna ni G. Constancio M. Nambio ay naghayin ng isang petisyon sa Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni  Punong Barangay Timoteo Miciano. Ang petisyon ay hahatiin ang barangay sa dalawa, sapagkat ang sentro ng barangay ay mahigit sa isang kilometro.

Pinag-aralan ng Sangguniang Barangay ang petisyon ng mga mamamayan ng kanlurang bahagi, at kanilang napag-alaman na pwedeng hatiin ang barangay sa dalawa. Ang nasabing resolusyon ay kanilang pinagtibay at kanilang inihain sa Sangguniang Panlalawigan. Napag-alaman ng Sangguniang Panlalawigan na ang nasabing petisyon ay naaayon sa itinadhanang Kodigong Pamahalaang Lokal na naaayon sa Saligang Batas Pambansang Pilipinas 1935.

Ito ay agarang ipinadala sa Mababang Kapulungan ng kongreso ay nagpasa ng isang batas, na Batas Pambansa bilang 3590 na hatiin ang Barangay Panggulayan sa dalawa.

Ang naunang Barangay ay tatawaging Panggulayan 1 at ang  anak ay Barangay Panggulayan II. Noong taong ding iyon ay nagkaroon ng halalan at ang mga nagwagi para sa Sangguniang Panggulayan II si Rufo l. Mandia, bilang Punong Barangay. 

Pinag-aralan ng bumubuo ng Sangguniang Barangay kung pwede nilang palitan ang pangalan ng barangay para mawala ang kalituhan ng mga mamamayan. Dahil dito sila ay nagpasa ng isang resolusyon na palitan ang pangalan, imbis na Panggulayan II ay gawing Palayan sapagkat halos 70% ng lupaing nasasakupan ng barangay ay taniman ng palay. Ito ay kanilang inihain sa asembleya ng Barangay at ito ay pinagtibay ng lahat ng mga mamamayan na ang magiging pangalan ng Barangay ay Palayan at ito ay pinagtibay ng mga mataas na kinauukulan sa bagay na ito.

Login Form